Kapulungang Pontifical Para sa Dayalogo sa Pagitan ng mga Relihiyon Mga Kristiyano at Muslim: ÂId al-Fitr 1430 H. / 2009 A.D
Minamahal kong mga kaibigang Muslim, 1. Sa araw ng pagdiriwang ng inyong kapistahan, kasabay ng pagtatapos ng buwan ng Ramadan, nais kong ipaabot ang taos-pusong pagbati ng kapayapaan at tuwa para sa inyo, at sa pamamagitan ng mensaheng ito, iminumungkahi ang tema para sa ating pagninilay: Mga Kristiyano at Muslim: Kapit-bisig sa pagsugpo ng karalitaan. 2. Ang mensaheng ito mula sa Konsehong Pontifical para sa dayalogo sa pagitan ng mga relihiyon ay isa nang nakasanayang tradisyon, na pinahahalagahan ng lahat. lto ay naging isa sa mga nagbibigay-galak, na siyang inaantabayanan taun-taon.Sa mga lumipas na panahon, ito'y naging isa nang pagdiriwang ng malugod na pagtatagpo sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim sa iba't ibang panig ng mundo. lto'y kadalasang naglalaman ng pinagsama-samang kaisipan, kung kaya't mas nakatitiyak na maaari itong ibahagi sa lahat. Hindi nga ba't ang lahat ng salik nito ay masasabingtanda ng pagkakaibigan nating lahat, bagay na maipagpapasalamat natin sa Panginoon? 3. Patungo sa tema sa taong ito, ang tao sa kalagayan ng pagdaralita ay ang tiyakang tuon sa gitna ng mga panuntunan, na sa ilalim ng magkakasalungat na paniniwala, ay lubusang pinanghahawakan nating lahat. Ang pagtingin, pagkamaawain at pagtulong nating magkakapatid sa pagkatao ay makapag-aalay sa mga dukha, tinutulungan silang makapagtatag ng kanilang sariling lugar sa lipunan, ang patunay ng isang buhay na katibayan ng pag-ibig ng Maykapal, dahil ang tao ay kanyang tinatawag na magmahal at tumulong nang walang inapanigan. Batid nating lahat na ang karalitaan ay may taglay na lakas na humamak at maging sanhi ng 'di makayanang mga paghihirap; ito'y kadalasang pinagmumulan ng pagbukod, galit, o kahiman poot at ang pagnanasang maghiganti. lto'y maaaring makapagpabunsod ng marahas na pagkilos sa anumang paraan, magingsa paghahanap ng katarungan bataysa mga saligang panrelihiyon o pagkamkam ng yaman ng iba, pati na rin ng kanilang katahimikan at seguridad, sa ngalan ngtinatayang banal na hustisya. Kaya nga't ang pagharap sa anumang palatandaan ng pagmamalabis at karahasan ay nagpapahiwatig ng pagsasabalikat ng karalitaan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng isang kabuuang kaunlarang pantao na tinukoy ni Papa Paolo Vl bilang " bagong katawagan sa kapayapaan" (Encyclical Letter Populorum Progressio, 1975, n. 76). Sa kanyang kamakailan lamang na liham (Encyclical Letter Caritas in veritate) ukol sa isang kabuuang kaunlarang pantao sa agkakawanggawa at katotohanan, isinaalang-alang ni Pope BenedictXVl ang kasalukuyang konteksto ng pagsisikap na maitaguyod ang kaunlaran kaalinsabay ng pangangailangan ng isang " bagong makataong pagbuo " (n. 21) , na nangangalaga sa pagiging bukas ngtao sa Diyos, nagbibigay-lugarsa kanya bilang "angsentro at taluktok" ng mundo (n. 57). lsang ganap na kaunlaran kung gayon ang dapat ipatupad "sa sangkatauhan at sa bawat isa" (Populorum Progressio, n. 42). 4. Sa kanyang naging pahayag sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw para sa Kapayapaan, Enero 1,2009, tinukoy ng Kabunyiang Pope Benedict XVI ang dalawang uri ng karalitaan: ang karalitaang dapat masugpo at ang karalitaang dapat matanggap. Ang karalitaang dapat masugpo ay kasalukuyang kinahaharap at dinaranas na ng bawat isa: pagkagutom, kawalan ng malinis na tubig, limitadong panggagamot at kakulangan ng silungan, 'di sapat na sistemang pang-edukasyon at pangkultura, kamangmangan, 'di pa babanggitin ang pagkakaroon ng mga bagong anyo ng karalitaan "... sa nakatataas at nakaririwasang antas ng lipunan, may katunayan ng pagsasantabi, pati na rin ng pandamdamin, moral at ispiritwal na aspeto ng karalitaan..." (Mensahe para sa Pandaigdigang Araw ng Kapayap aan, 2009, n. 2). Ang mga karalitaang dapat namang matanggap ay gaya ng simpleng pamamaraan ng pamumuhay at nakasasapat lang, iniiwasan ang pag-aaksaya at iginagalang ang kapaligiran at ang kabutihan ng mga nilikha. Angganitong karalitaan ay maaari ring kahit man lamang minsan sa loob ng isang taon, gaya ng pagtitipid at pag-aayuno. lto ay pinipili nating karalitaan na naglalantad ng pagsasantabi ng ating sarili, pinalalawak ang ating puso. 5. Bilang mga nananampalataya, ang ating hangarin na magtulungan para sa makatwiran at matibay na kalutasan sa hagupit ng karalitaan ay nangangahulugan din ng ating pagninilay-nilay sa mga malalalang suliranin ng ating panahon, at kung maaari, ay pati na rin ng ating pangakong pagtulong sa pagsugpo ng mga ito. Ukol dito, ang nabanggit na mga aspeto ng karalitaan na nag-uugnay sa palatandaan ng globalisasyon ng ating lipunan ay may pang-ispiritwal at moral na kahulugan, sapagkat ang bawat isa ay may tungkuling bumuo ng isang pamilya, kung saan lahat - indibidwal, mamamayan at bansa  ay tumutugon ayon sa mga panuntunan ng pagkakapatiran at pananagutan. 6. Sa isang masusing pag-aaral tungkol sa masalimuot na palatandaan ng karalitaan, napag-alamang ito ay nag-uugat sa kawalan ng paggalang sa likas na dignidad ng bawat ng bawat nilalang, at ito'y nagmumulat sa atin ngayon, tungo sa tawag ng pagkakaisa sa buong mundo. lsang halimbawa nito ay ang pag-alinsunod sa "isang pangkalahatang tuntunin ng moralidad " (John Paul ll, Address tothe Pontifical Academy of Social Services, 27 April 2001, n.4) kung saan ang pamantayan nito ay hindi lamang nagtataglay ng mga nakasanayang mga katangian, kundi nagmumula na rin sa isang batas na gawa mismo ng Dakilang Maylikha, na Siya rin Niyang isinulat sa budhi ng bawattao (cf. Rom. 2, 14-15). 7. Tila yata, sa iba't ibang bahagi ng mundo, nalampasan na natin ang pagpapaubaya lamang, sa halip, tayo ngayon ay nagpupulong at nagkakaisa, at sinisimulan ito ng pagbabahagi ng pangkaraniwang mga karanasan at saloobin. Masasabing ito'y isang mahalagang paunang hakbang. Sa pagbibigay sa bawat isa ng yamang dulot ng pagdarasal, pag-aayuno at pagkakawanggawa, hindi nga ba't posible na dahilan sa pagkakaroon ng dayalogo ay makahahatak ng lakas mula sa mga taong naglalakbay tungo sa Panginoon? Tinatanong tayo ng mga maralita, hinahamon nila tayo, ngunit higit sa lahat, tayo'y kanilang inaanyayahang makiisa tungo sa isang dakilang layunin: pagsugpo sa karalitaan!
Arsobispo Pier Luigi Celata
PONTIFICAL COUNCIL
|
|